Sa isang pahayag, sinabi ng besi presidente, lagi siyang may oras upang basahin ang mga ipokrito at dramatikong pahayag ng Makabayan bloc na halos hindi nakakuha ng simpatya at boto noong nakaraang eleksyon.
Dagdag ni VP Sara, marami na ang naloko ng Makabayan bloc dahil magaling sila sa propaganda at sanay sa pagsisinungaling.
Sa loob ng maraming panahon, wala daw naglakas-loob na ilabas ang katotohanan tungkol sa mga ito kung kayat gagawin nya ito ngayon.
Dagdag pa niyo, ilang batang Pilipino na ang nahikayat na sumanib sa NPA para sumali sa isang gyera na hindi naman nauunawaan ng mga kabataan na hinding-hindi nila maipapanalo dahil ito ay laban sa kapwa nila mga Pilipino.
Tanong din ng Opisyal, ilang pangarap at magandang kinabukasan na rin ba ng mga kabataan ang hinayaan ng Makabayan bloc na masira sa loob ng maraming mga taon at ilang kabataan na ba ang namatay bilang NPA.
Ang pagsasabi umano ng katotohanan tungkol sa relasyon ng Makabayan bloc at sa teroristang NPA, CPP, at NDFP ay hindi red-tagging o terror-tagging kundi ito ay pagsasabi lamang ng katotohanan.
Tiniyak ng opisyal na may panahon ito para sa Makabayan bloc para tuluyan nang wakasan ang kanilang panlilinlang sa sambayanang Pilipino.