Ang nakatatandang Yumol ay nagtamo ng ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay sa Claret lane sa Lamitan City, Basilan pasado alas 6 Biyernes ng umaga.
Ayon kay Bangsamoro Police Regional Director Police Brigadier General Arthur Cabalona, kanya ng inatasan ang Lamitan City police na agad na tukuyin at hulihin ang dalawang suspek na tumakas sa pinangyarihan ng insidente sakay ng motorsiklo.
Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at tinitignan ng PNP ang lahat ng possibleng anggulo dito.
Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival sa kanyang attending physician