Ito ang inilahad ni Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista sa inilabas niyang pahayag ngayong Huwebes (Nobyembre 25).
Ayon kay Evangelista ikinatuwa niya ang pagsisimula ng proyektong “Balai Karowayan No Bakalag” dahil sa tagal ng panahon, magkakaroon na ng disenteng tirahan ang nasabing nga katutubo sa nabanggit na lugar.
Sinabi ng alkalde na ito ang bunga ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa layunin na magkaroon ng inclusive governance sa ilalim ng kanyang administrasyon.
"Gibuhat nato kini kay gusto nako na mahimo silang beneficiaries sa mga programa ug proyekto sa atong lungsod. Panahon na atoa pud sila hatagan og supporta dili lang sa kutob sa istorya,” sambit ng alkalde.
Dagdag ni Evangelista na ito ang maituturing na legasiya na nakamit sa kanyang unang termino bilang alkalde ng nasabing bayan.
Bukod sa pabahay, binuhusan din ng pondo ng pamahalaang bayan ang nasabing tribo para sa pagbibigay edukasyon, livelihood trainings at assistance at iba pa, para sa pag angat ng antas ng kanilang pamumuhay. (Armando Fenequito)
Larawan mula sa Santo Tomas MIO