Unang tumungo ang Pangulo sa Makar Wharf kung saan sinamahan ito ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade at ipinakikita ang mga pasilidad at kagamita gaya ng x-ray walk through baggage scanner, mga bagon gusali at iba pa.
Sumunod dito ang paglibot sa General Santos City Airport kung saan tiningnan nito ang bagong gusali at iba pang pasilidad ng paliparan.
Sinubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang contactless self-serving baggage check-in kiosk sa nasabing paliparan.
Sa kanyang talumpati, malaki ang pasasalamat ni Pangulong Duterte kay Tugade dahil sa dami ng nagawa nito sa kanyang administrasyon lalo na nagawang modernisasyon sa lahat ng pampublikong pasilidad. (Armando Fenequito)
Larawan kuha ni Armando Fenequito