NEA Power Task Force Election, mga Electric Cooperatives sa buong bansa handa na sa eleksyon

Inalerto na ng National Electrification Administration (NEA) ang 121 Electric Cooperatives (ECs) sa buong bansa para sa darating na eleksyon sa Lunes, Mayo 9.

Ayon kay NEA Administrator Emmanuel  Juaneza, kasalukuyang nagsasagawa na ng preventive at corrective maintenance ang lahat ng mga ECs sa kanilang  pasilidad bilang kanilang huling paghahanda.

Anya, inatasan na rin nila ang mga ECs na i-activate ang kanilang Emergency Restoration Organization (ERO).

Tiniyak ni Juaneza na magkakaroon ng 24-hour Power Situation Monitoring ang mga ECs hanggang  sa Mayo 12 o hanggang sa pagtatapos ng canvassing ng mga boto at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Siniguro ng opisyal na magsusumite ng ulat ang mga ECs sa bawat NEA Power Task Force Election 2022 Power Situation Monitoring Teams , dalawang beses araw-araw mayroon man o walang brownout.