PNP, maglulunsad ng crackdown sa E-sabong

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigik ang kontrobersiyal na sugal, maglulunsad ng crackdown sa e-sabong ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brigadier General Roderick Augustus Alba na kung kinakailangan ay kanilang sisimulan ito sa oras na matanggap na nila ang detalyadong kautusan mula sa mga nakatataas. 

Nabuo ang desisyon ni Pangulong Duterte na ipatigil ang e-sabong base na rin sa naging rekomendasyon ni Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan tinukoy ang masamang “social impact” ng naturang sugal. 

Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nito na kanya ng ipauubaya kay Año ang pagpapalabas ng detalyadong kautusan sa pagpapatigil ng e-sabong. 

Samantalang siniguro naman ng pulisya ang kapasidad nito na ipatupad ang naturang kautusan sa pamamagitan na rin ng pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Larawan mula sa Texas Dreaming