Partikular na inatasan ni Carlos ang Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Brigadier General Arthur R Cabalona, na ayon kay Carlos gamitin ang lahat ng “available resouces” sa pagsasagawa ng “hot pursuit Operations.
Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente nitong linggo ng umaga nang sumabog ang isang Improvised explosive Device (IED) na itinanim sa likurang bahagi ng isang Rural Tour bus na patungo ng Dipolog City mula sa General Santos, habang binabagtas nito ang National highway sa Brgy Making, Parang, Maguindanao.
Walang nasawi sa insidente, subalit may apat sa 23 pasahero ng bus ang sugatan.
Kaagad namang narekober at na-disrupt ng mga rumespondeng Explosive and Ordinance Disposal (EOD) team ng PNP ang pangalawang IED sa loob ng bus.
Sinabi ni Carlos, patuloy na ni-review ng mga imbestigador ang CCTV footage ng bus para matukoy ang possibleng person of interest sa pambobomba.
Nananawagan si Carlos sa publiko na ipagbigay alam sa pulisya ang anumang impormasyon ukol sa suspek para makakatulong sa mga awtoridad para sa agarang pagtukoy at pag-aresto nito.
Larawan mula sa PRO-BAR