Mga kandidato bawal mangampanya ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo: Comelec 11

DAVAO CITY – Pinaalalahanan ngayon ng Commission on Election 11 ang mga kandidato sa lokal na posisyon sa Davao Region na ipinagbabawal ang pangangampanya ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing, sinabi ni Comelec 11 assistant regional director Atty. Gay Enumerables na dapat ihinto muna ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya dahil inilaan ito para makapagpahinga ang lahat.

Paalala ni Enumerables sa mga pulitiko na maituturing na isang election offense sa nasabing mga araw kung saan sasampahan sila ng kaso sa korte.

Panawagan naman ng opisyal sa mga tao na kapag may mga makikitang mga pulitiko na mangangampanya lalo na sa mga aktibidad ng simbahang Katolika na isumbong sa kanilang tanggapan para sa agarang aksyon.