10th ID at PRO 11 pormal ng idineklara ang pagkabuwag ng Guerilla Front 3 ng NPA

DAVAO CITY – Pormal ng idineklara ng 10th Infantry Division (10th ID) at Police Regional Office 11 (PRO 11) na dismantled na ang Guerilla Front 3 ng New People’s Army (NPA) alinsunod na rin sa Area Clearing Evaluation Board parameters ng AFP-PNP Joint Letter Directive Number 3 nitong Abril 12, 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ni 10th ID commander Maj. Gen. Nolasco Mempin na ang deklarasyon ay base na rin sa mga na-recover na armas at sunod-sunod na pagsuko ng mga opisyal at miyembro nito sa pamahalaan.

Ayon kay Mempin na matatandaang sumuko ang Commander ng nasabing hukbo na si Maximo Catarata alias Datu Makatinog sa tropa ng 60th Infantry Battalion sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte kasama ang mga miyembro nito bitbit ang kanilang mga armas. 

Nitong Abril 11 naman, nakubkob ng kasundaluhan ang 22 na mga matataas na kalibre ng armas na mula sa Guerilla Front 3 sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur. 

Binigyang diin ni Mempin na sa pagka-opisyal ng pagkabuwag ng nasabing Guerilla Front, masasabi na nitong matapos ang Communist Insurgency sa mga lugar na kanyang nasasakupan.

10th ID Public Affairs Office