Inilahad ni Cardinal Fr. Antonio Labiao jr., magpapatuloy ang kanilang kampanya para sa voters education programs, upang ipaalam sa mga botante ang pag-konsidera sa kwalipikasyon sa mabuting pamumuno sa bansa.
Sisikapin ng CBCP na maikampanya sa loob ng 40-araw ang pangangailangan na makilala muna ng mga botante ang bawat kandidato, upang hindi sila bumoto dahil lamang sa dikta ng iba o nakita sa social media.
Iginiit pa ni Labiao na mahalaga ring tumanggi sa pagbenta ng boto upang hindi mabawasan ang pagiging sagrado nito.
Maging laman noon sa pastoral letter ni CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagbebenta ng boto ay maituturing na mabigat na paglabag laban sa utos ng Panginoon.