Pinirmahan ni DHSUD 11 Regional Director Atty. Miguel Palma Gil matapos magsampa ng reklamo si Pabelona sa mismong ahensya matapis bumili ng raw lots sa Barangay San Vicente, Santo Tomas, Davao del Norte.
Sa kanilang sulat, sinabi rin walang License to Sell at hindi rehistrado ang nasabing subdivision projects ng Haven United Development Corporation sa Santo Toma, Davao del Norte.
Noong December 26, 2019 naglabas ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng unang abiso sa publiko tungkol sa mga real estate developer na nagsulputang parang kabote na illegal na bumibinta ng subdivision raw lots sa bayan ng Santo Tomas. Isa sa mga tinumbok nito ang Haven United Development Corporation .
Nasundan nito noong June 19, 2020 dahil patuloy pa rin ang pagbebenta ng Haven United Development Corporation ng mga subdivision lots sa bayan ng Santo Tomas kahit na wala itong License to Sell at wala itong Certificate of Registration mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit ipinagkibit-balikat lang ng Sangguniang Bayan ang nasabing problema at hindi ito nabigyan ng konkretong aksyon.
Isusulong naman ni Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista ang panukalang batas na i-regulate ang pagbebenta ng mga raw lot lalo na kung ang mismong real estate developer ay walang license to sell at hindi rehistrado ang mga proyekto nito sa gobyerno.
Magbibigay naman ng libreng serbisyong legal si Municipal Administrator Atty. Elisa Evangelista kasama ang legal team nito sa Dangpanan Ni Tomas para sa mga Tomasinong gusto mabalik ang kanilang perang ibinigay sa Haven United Development Corporation.
Larawan mula sa Santo Tomas MIO