Ang nabanggit na memorandum ay naka-address kina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, at PAGCOR Chairman Andrea Domingo.
Batay sa nakasaad sa memorandum, magpapatuloy ang operasyon ng E- sabong kasabay ang pagsasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa tinaguriang missing sabungeros.
Binigyan ng 30 araw ang PNP at NBI na isumite ang kanilang report pagkatapos na mailabas ang nasabing Memo.
Habang inaatasan naman ang PAGCOR na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa sinasabing paglabag ng mga operators ng e- sabong.
Siniguro ng palasyo na matiyak ng PAGCOR na nakatutugon ang mga operators sa security at surveillance requirements sa ilalim nang Regulatory Framework for E- sabong cockpit Betting Station.