Insidente ng sunog sa Davao Region, bumaba sa nakalipas na 3 taon

DAVAO CITY – Bumaba ang bilang ng mga insidente ng sunog sa Davao Region sa nakalaipas na tatlong taon base sa datos na inilabas ng Bureau of Fire Protection 11 (BFP 11).

Inihayag ni BFP 11 Public Information Service chief Fire Insp. Lei Anne Palermo, nagtala lang ng 1,005 na insidente ng sunog ang rehiyon nitong 2021.

Mas mababa ito ng 12.68 na prosyento sa 1,151 na insidente noong 2020 at 21.05 porsyento na mababa mula sa 1,273 na sunog nitong 2019.

Ayon sa opisyal na nangnguna pa rin sa mga nasusunog na lugar ang residential sinundan naman ito ng industrial at panghuli ang commercial.

Paliwanag ng opisyal, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng sunog ay ang community quarantine na ipinatupad mula ng magka-COVID-19 pandemic dahil marami ng mga tao na naiiwan sa kani-kanilang tahanan at nababantayan na nila ito.