Ito'y matapos makatanggap ng report ang nasabing ahensya hinggil sa panibagong illegal double-your-money (DYM) sa lungsod.
Base sa nakalap na impormasyon ng SEC-Davao, may mga grupo na nangangako na gagawing P2, 000 ang bawat P1,000 sa loob lang ng isang buwan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya Davao City Anti-Scam Unit para sa posibleng naging biktima nito.
Paliwanag ng ahensya ipinagbabawal sa ilalimg ng Republic Act 8799 pangongolekta ng investment kung wala itong secondary license mula sa kanila.
Magmumulta ng hanggang P5 million at makukulong ng hanggang 21 taon para sa mga magiging salesmen, brokers, dealers o ahente ng grupo na sangkot sa unauthorized investment schemes.