DCPO mino-moitor ngayon ang perasyon ng Online Sabong matapos ang anunsyo ni Pang. Duterte

DAVAO CITY – Matapos ang pag-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng online sabong, agad ipinag-utos ng Davao City Police Office (DCPO) sa mga police stations ang mahigpit na monitoring sa kani-kanilang areas of responsibility.

Ito ang inihayag ni DCPO Spokesperson Maj. Maria Teresita Gaspan sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing nitong Miyerkules (Marso 2).

Ayon kay Gaspan na kapag wala na itong permit, ilegal na ang magiging operasyon nito at magiging liable na ito sa kasong illegal gambling.

Dagdag ng opisyal hindi rin nabigyan ng permit ang online sabong sa Davao City matapos i-veto ni Mayor Sara Duterte ang panukalang ordinansa na gawin itong legal sa lungsod.