Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa sa harap ito ng naiulat na pumalo sa higit pitong porsiyento ang iniakyat ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa third quarter ng 2021.
Ayon sa Pangulo, isa itong magandang biyaya mula sa Maykapal na nangyari bunsod na rin ng malakas na household consumption habang nararanasan pa ng bansa ang pandemya.
Magandang balita umano ito na umaangat na ang ekonomiya ng bansa at ito ay nagpapatunay na tama ang mga istratehiyang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagbalanse ng ekonomiya at kalusugan.
Patuloy pa rin na nagpaalaala ang pangulo na panatilihin pa rin ang pagsusuot ng mask, paghuhugas, iwas sa mga gatherings, ganundin bakuna dahil may presensiya at banta pa rin ng virus.
Photo: Presidential Communications FB Page