Sa kanyang talumpati sa Change of Command ng 10th Infantry Division, sinabi ni Brawner na alam niyang mag kanya-kanyang mga kandidato ang mga sundalo pero dapat itago na lang ito sa kanilang mga sarili at hindi na kailangan na mang udyok pa gaya ng pakikigulo sa social media.
Ayon sa pinuno ng Hukbong Katihan ng bansa na dapat panatilihin ang pagiging Apolitical ng organisasyon kung saan walang ibang pinagsisilbihan kundi ang taumbayan
Apela ng opisyal na kapag may napili silang kandidato ay huwag na lang itong isapubliko bagkus ay pag usapan na lang ito kani-kanilang pamilya.
Nanawagan din si Brawner sa kasundaluhan na gamitin ang karapatan nito na makapili ng mamumuno sa bansa sa pamamagitan ng pagboto ngayong darating na eleksyon.
Photo from Philippine Army Agila Troopers