Ilang tourist attractions sa Siargao Islands, bukas na matapos hinagupit ng bagyong Odette

Dahan-dahan ng nakabangon ang mga nagmamay-ari ng mga restaurants at accommodation establishments sa Siargao Islands sa Surigao del Norte matapos ang paghagupit ng Bagyong Odette, dalawang buwan na ang nakalipas.

Kilala ang Siargao Islands bilang surfing site na naging isa sa mga paboritong pasyalan ng mga dayuhang turista. 

Isang Virtual Benefit Concert ang inilunsad ng Department of Tourism (DOT) Caraga Regional Office  kamakailan para matulungan ang mga tourism frontliners na naapektohan ng bagyo. 

Sa isang panayam, sinabi ni Tiara Julia Santos, Chief Operations Officer ng DOT Caraga kanila nang pinaghahandaan ang trainings para mas ma-enhance ang kapasidad ng mga tourism frontliners.

Ayon sa kanya, nasa recovery stage pa rin ang Siargao Islands pero bukas na ang ilan sa mga establisyemento.

Nagpaalala naman si Santos sa mga turistang nais mamasyal sa Siargao Islands na sundin ang inilatag na mga minimum public health protocols. 

Bagaman may iilan ng establisyemento ang nagbukas, kanila pa ring i-manage ang expectations dahil limitado pa ang accomodations at maibibigay na serbisyo. 

Napag-alaman na naibalik na rin ang elektrisidad sa malaking bahagi ng Siargao Islands.

Contributed Photo