Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si dating Congressman Mark Cojuangco.
Alas sais ng umaga ng sumakabilang buhay ang kanyang kapatid, ayon kay Mark.
Mismong ang maybahay ni Charlie Cojuanco na si China Jocson-Cojuangco ang nag-post sa social media kaugnay sa pagyao ng kanyang asawa.
Wala pang malinaw na ibinahagi ang pamilya ukol sa dahilan ng pagpanaw ng kongresista pero nauna nang napaulat na nagkaroon ng aneurysm si Cojuangco sa gitna ng isang car racing noong Oktubre 2021.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ng kasamahang mambabatas.
Ipinarating ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pamilyang Cojuangco ang pakikidalamhati at simpatya ng kongreso sa pamilyang naiwan ng yumaong kongresista.
Si Cojuangco ay naging kinatawan ng ikaapat na distrito ng Negros Occidental mula 11th, 12th at 13th Congress.
Naging representante naman ito ng unang distrito ng Tarlac mula 17th hanggang 18th Congress.
Contributed Photo