Playground para sa mga batang Ata-Manobo sa Santo Tomas, pormal ng ibinigay ng Davao Light

DAVAO CITY - Pormal ng ibinigay ng Davao Light and Power Co., Inc. (Davao Light) ang isang playground facility sa komunidad nh Ata Manobo sa Sitio Talos, Barangay San Jose sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Davao Light President Engr. Rodger Velasco na nasabing pasilidad ay magbibigay lugar sa mga bata, lalo na ang mga napabilang sa tribong Ata-Manobo na mas malinang ang kanilan social at motor skills habang nagalalaro na magiging suporta nila sa kanilang paglaki. 

“We hope even during this pandemic, the children still get to play outdoors subject to, of course, the required physical distancing and wearing of masks. We believe in safety and protection but we also believe that our children need to do exercise in a fun way especially through play,” ani Velasco. 

Perosnal namang tinanggap ni Santo Tomas Municipal Administrator Atty. Elisa Evangelista-Lapiña ang nasabing pasilidad kung saan malaki ang pasasalamat nito dahil hindi lang it magiging isang playground kundi magiging parte na rin ito ng eco-tourism sa nasabing barangay. 

Ang nasabing pasilidad ay bahagi ng  sustainability initiatives of Davao Light ginamit nito ang mga lumang posteng kahoy. (Armando Fenequito)

Mga batang Ata-Manobo na naglalaro sa bagong playground sa Barangay San Jose, Santo Tomas. Larawan mula sa Davao Light