Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing, sinabi ni DCPO Acting City Col. Alberto Lupaz na ito ang isa sa kanyang tutukan dahil sa kabila ng programa sa lungsod ay mayroon pa ring mga rape cases na natatala.
Ayon sa opisyal kahit pa bumaba ang kaso nitong 2021 kung saan nakapagtala lang ito 152 cases mula sa 170 noong 2020 pero nakakabahala pa rin umano ang nasabing numero.
Ani Lupaz na kadalasan sa mga natalang kaso ay ginawa ng mga kamag-anak ng biktima.
Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng rape ay ang mga pinatupad na mga striktong community quarantine ng mga nakaraang araw kung saan may ilan na pinagbawalan na makalabas kung hindi essential ang gawain.
Paliwanag ng hepe ng DCPO na kailangan na mabigyan ng edukasyon ang mga tao dahil may iba sa kanila na hindi alam na maari silang makulong sa kanilang ginagawang panggagahasa.
Dagdag nito na indikasyon din ang nasabing numero na marami na ang may alam na kapag nangyari ang mga ganitong krimen ay adag isumbong sa awtoridad.