Isang Executive Order ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 14 na nagbibigay direktiba sa mga government at private offices na tanggapin na ang Philippine Identification System Number ng isang indibidwal na may ginagawang transaksiyon sa kanila.
Binigyang diin sa EO 162 na ang record o number sa Philsys ay maituturing ng sapat ng katibayan para sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Nakasaad sa utos ng Pangulo, na ang PhilID ay ituturing nang official government issued identification document, official proof of identity na maaaring magamit sa lahat ng transaksiyon, pribado o sa pampubliko mang opisina.
Saklaw ng transaksiyon ng PhilID ng isang cardholder ang mga government owned and controlled corporations (GOCC), local government unit (LGU), state universities at colleges gayundin ng iba pang institusyon.